Friday, March 10, 2017

DROGA

Image result for drogaSa mabilis na paggulong ng kampanya ng administrasyong Duterte kontra droga, walang dudang ramdam na ng mamamayan ang mga pagbabagong hatid ng nito. Pero habang tumatagal, unti-unting nauungkat ang maraming isyung kaugnay ng maruming kalakaran ng ipinagbabawal na gamot sa ating lipunan.
Sa pinakahuling datos ng Philippine Drug Enforcement Agency, tinatayang 92% ng mga barangay sa Metro Manila ang apektado ng droga. Kaya naman hindi na kataka-takang maraming pamilyang Pilipino ang sangkot sa paggamit at pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot. Bukod kasi sa natural na epekto ng pagkaadik hindi na makawala ang mga ito sa pagdepende sa droga lalo pa't tinatayang aabot sa 50 bilyong piso ang umiikot sa industriyang ito ayon sa Dangerous Drugs Board. Ilan pa ngang mga nakilala ni John Consulta na sangkot sa bentahan ng droga, pami-pamilya.
Image result for droga
Paano nga ba lumaki ng ganito ang industriya ng droga sa bansa? Ayon sa mga aminadong tulak na nakapanayam ni Tina Panganiban-Perez, kahit pa mahigpit na ipinagbabawal sa batas ang pagpasok sa bansa ng mga raw materials sa paggawa ng droga, nagagawa pa ring mailusot ang mga ito sa pamamagitan ng iba't ibang mga paliparan at daungan sa bansa. At matapos na matagumpay na maipasok ito sa Pilipinas, iniluluto ang mga ito kung hindi sa mga maliliit na condo para hindi takaw timbog. Sa New Bilibid Prison pa mismo diumano ito pinoproseso na siya namang ibinabagsak at ipinakakalat sa mga barangay at kung minsan daw, ine-export sa ibang bansa.
Image result for droga

Kaya naman bukod sa mga tulak ng drogang maya't mayang itinutumba, punterya ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga protektor ng mga drug lord na matatagpuan daw mismo sa hanay ng pulisya at mga lokal na pamahalaan. Hindi nga raw magtatagal at papangalanan na ang hindi bababa sa dalawampu't tatlong mga alkalde sa bansa na sangkot diumano sa bentahan ng ilegal na droga base na rin sa impormanteng nakausap ni Raffy Tima. Mula nga raw 2013 hanggang Hunyo 2016, umabot sa halos 196 ang mga pulitiko at 283 na mga empleyado ng gobyerno ang naaresto dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ayon sa PDEA. At sa mga susunod na araw, inaasahang madaragdagan pa ang bilang nito bunsod na rin ng all-out war ng gobyerno ngayon kontra droga.
                                                    Image result for stop droga

KAHIRAPAN

Image result for kahirapanMadalas sabihin ng ating magulang na ang edukasyon lang daw ang kayamanan na maipapamana nila sa atin kaya puspusan silang nagtratrabaho para tayo’y makapag-aral. Sinasabi rin na ang kabataan daw ay ang pag-asa ng bayan sa magandang kinabukasan ng bansa. Subalit, Paano maisasakatuparan iyon kung madaming isyu ang dapat aregluhin?

May mga isyung dapat pagtuunan ng pansin ng gobyerno. Isa na rito ang kalidad ng edukasyon na ibinibigay ng bawat paaralan, pambuliko man o pribado. Dito mababase natin ang kakayahan na meron ang bawat estudyante at ng kabubuang populasyon.

Sunod ay ang kakayanan na magbayad ng edukasyon. Alam nating lahat na madaming naghihirap sa Pilipinas kasabay pa nito ang walang katapusang pagtaas ng bilihin. Tapos ay tataas pa ang tuition fees. Paano niyan makakayanan ng mga magulang na ipaaral ang kanilang mga anak sa magandang eskwelehan? Nasaan na ang konsiderasyon at pangarap na maiparal ang mga batang ito? Iyan din ang dahilan kung bakit madaming hindi nakakapagtapos na pag-aaral ay dahil sa kaukulangan sa pagtustos ng pag-aaral. Kaya kung minsan, ang mga mismong mga magulang ang sumusuko at nagpapatigil sa kanilang mga anak. Ito ay dahil na rin sa tingin nila’y walang patutunguhan ito at matatagalan pa.

 Isa pang isyu na dapat bigyang pansin ay ang pondo ng gobyerno sa edukasyon. Nasaan na nga ba napupunta ang mga buwis na kinokolekta sa mga mamamayan? Tinatalang milyon-milyon na ang nagastos para sa edukasyon. Ngunit, hindi pa ito sapat dahil ang perang ito ay nailaan na sa listahan ng proyetong na mas pinaprioridad ng gobyerno. Sa kasamaang palad, hindi matugunan ang lahat ng pampublikong paaralan sa bansang ito. Kulang tayo sa silid-aralan, gamit at mga guro sapagkat ilan sa kanila’y nag-iibang bansa. Mataas nga ang sweldo ng pampublikong guro pero halos nakakapagod din ang kanilang ginagawa. Bakit at papaano nangyari iyon? Mayroon silang dalawang shifts. Sa bawat klase, meron silang 60-70 na estudyanteng tinuturuan. May mga gamit  din sila na maaring binili o may nagdonate nito. Subalit, hindi ito sapat. Kung minsa’y ginagamit ng mga guro ang kanilang pera para makagawa ng visual aids na makakatulong sa kanilang leksyon. May kanyan-kanyang pakuno o trip ang mga guro kung papaano nila maihahatid o maituturo ang isang paksa sa mga bata.


Mahalaga ang edukasyon para sa ikauunlad ng Pilipinas. Paano? Ito ay sa pamamagitan ng mga grumadweyt at siyang susunod na magpapatakbo ng Pilipinas. Sila ang pag-asa na hindi dapat baliwalain. Kailangan nila ang paggabay. Kaya ang edukasyon ang nararapat nating ibigay at ipalawak. Ito ay nagsisilbing unang hakbang sa naudlot na bagong Pilipinas. Remedyuhan ang problema sa edukasyon. Magsimula ngayon bago mahuli ang lahat.
Related image