Madalas
sabihin ng ating magulang na ang edukasyon lang daw ang kayamanan na
maipapamana nila sa atin kaya puspusan silang nagtratrabaho para tayo’y
makapag-aral. Sinasabi rin na ang kabataan daw ay ang pag-asa ng bayan sa
magandang kinabukasan ng bansa. Subalit, Paano maisasakatuparan iyon kung
madaming isyu ang dapat aregluhin?
May
mga isyung dapat pagtuunan ng pansin ng gobyerno. Isa na rito ang kalidad ng
edukasyon na ibinibigay ng bawat paaralan, pambuliko man o pribado. Dito
mababase natin ang kakayahan na meron ang bawat estudyante at ng kabubuang
populasyon.
Sunod
ay ang kakayanan na magbayad ng edukasyon. Alam nating lahat na madaming
naghihirap sa Pilipinas kasabay pa nito ang walang katapusang pagtaas ng
bilihin. Tapos ay tataas pa ang tuition fees. Paano niyan makakayanan ng
mga magulang na ipaaral ang kanilang mga anak sa magandang eskwelehan? Nasaan
na ang konsiderasyon at pangarap na maiparal ang mga batang ito? Iyan din ang
dahilan kung bakit madaming hindi nakakapagtapos na pag-aaral ay dahil sa
kaukulangan sa pagtustos ng pag-aaral. Kaya kung minsan, ang mga mismong mga
magulang ang sumusuko at nagpapatigil sa kanilang mga anak. Ito ay dahil na rin
sa tingin nila’y walang patutunguhan ito at matatagalan pa.
Isa
pang isyu na dapat bigyang pansin ay ang pondo ng gobyerno sa edukasyon. Nasaan
na nga ba napupunta ang mga buwis na kinokolekta sa mga mamamayan? Tinatalang
milyon-milyon na ang nagastos para sa edukasyon. Ngunit, hindi pa ito sapat
dahil ang perang ito ay nailaan na sa listahan ng proyetong na mas
pinaprioridad ng gobyerno. Sa kasamaang palad, hindi matugunan ang lahat ng
pampublikong paaralan sa bansang ito. Kulang tayo sa silid-aralan, gamit at mga
guro sapagkat ilan sa kanila’y nag-iibang bansa. Mataas nga ang sweldo ng
pampublikong guro pero halos nakakapagod din ang kanilang ginagawa. Bakit at
papaano nangyari iyon? Mayroon silang dalawang shifts. Sa bawat klase,
meron silang 60-70 na estudyanteng tinuturuan. May mga gamit din sila na
maaring binili o may nagdonate nito. Subalit, hindi ito sapat. Kung minsa’y
ginagamit ng mga guro ang kanilang pera para makagawa ng visual aids na
makakatulong sa kanilang leksyon. May kanyan-kanyang pakuno o trip ang mga guro
kung papaano nila maihahatid o maituturo ang isang paksa sa mga bata.
Mahalaga
ang edukasyon para sa ikauunlad ng Pilipinas. Paano? Ito ay sa pamamagitan ng
mga grumadweyt at siyang susunod na magpapatakbo ng Pilipinas. Sila ang pag-asa
na hindi dapat baliwalain. Kailangan nila ang paggabay. Kaya ang edukasyon ang
nararapat nating ibigay at ipalawak. Ito ay nagsisilbing unang hakbang sa
naudlot na bagong Pilipinas. Remedyuhan ang problema sa edukasyon. Magsimula
ngayon bago mahuli ang lahat.
Napakamabuluhan ng ipinahihiwatig tungkol sa kahirapan na nararanasan sa ating lipunan ngayon.
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteNapakahusay ng pakakagawa ng teksto at marami ang makukuhang impormasyon ukol sa kahirapan dito
ReplyDelete